Tuesday, December 30, 2008

Dingdong Dantes Hailed 3rd Sexiest Man in the World


Tinanghal ng E! Television na 3rd sexiest men in the world among the 25 male international celebrities ang Kapuso Star na si Dingdong Dantes, ayon sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

starsAt dahil sa pagkilalang 'yon, kahilera na niya ang ilang hinahangang international male celebrity tulad ng soccer superstar na si David Beckham na siyang nanguna sa listahan ng E!

Inihayag ni Brian Tottle, E! executive, ang ranking ni Dingdong sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, USA, kamakailan kung saan nagtanghal sila ni Marian Rivera. Halos hindi maputol ang tilian at hiyawan nang ipakita na ang audio-video presentation para sa napiling 25 sexiest men.

Sa naturang video presentation na ipinalabas ng E!, unang ipinakita ang likurang bahagi ni Dingdong at nakasulat ang bansang Philippines. Dito ay ipinakita ang mga billboard, fashion at TV shows na ginawa ni Dingdong sa GMA Network.

"Syempre proud ako sa mga nagawa ko… I owe everything to the people who help me para makarating ako rito," pahayag ng aktor.

Sinabi ng binata na ang karangalan na kanyang nakamit ay para sa lahat ng Filipino. Patunay umano ito sa taglay na kisig at galing ng mga Pinoy.

"Thank you for citing the Filipino talent and sana this will be the start of great things to come for our industry," pahabol pa ni Dingdong. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
(from igma.tv)

1 comment:

  1. Keep it up. Ipagpatulo mo lang ang carreer mo kahit araming intriga. Sana makadate kita.!

    ReplyDelete

Share this Community

Share our community. Invite your friends. Use this code

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kung hindi ka takot sa kapamahakan, kung kaya mong pumasok sa arena at talunin lahat ng
hahamon sayo, Pumasok ka sa walang awang mundo ng Gladiatus!
MAGLARO NG LIBRE!

Pumasok sa mundo ng GLADIATUS...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

2008 MMFF BOX OFFICE GROSS
(as of December 28, 2008)

1. Ang Tanging Ina N’yong Lahat - P73.7 M
2. Iskul Bukol… 20 Years After - P57.3 M
3. Shake Rattle and Roll X - P35.4 M
4. Desperadas 2 - P22 M
5. Baler - P18.9 M
6. One Night Only - P4.2 M
7. Dayo - P3.2 M
8. Magkaibigan - P1.4 M